Miyerkules, Setyembre 5, 2018, nakipagtagpo si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa kanyang Nigerian counterpart na si Muhammadu Buhari.
Binigyang-diin ni Xi na sa ilalim ng magkasamang pagsisikap ng panig Tsino't Aprikano, kasiya-siyang ipininid ang 2018 Beijing Summit ng Forum on China-Africa Cooperation (FOCAC). Ibayo pang pinayaman aniya ang nilalaman ng komprehensibo, estratehiko't kooperatibong partnership ng Tsina at Aprika. Winewelkam ng panig Tsino ang pagsali ng Nigeria sa konstruksyon ng Belt and Road, at nakahandang palalimin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa mga larangang gaya ng konstruksyon ng imprastruktura, agrikultura, at production capacity.
Ipinalalagay naman ni Buhari na ang Belt and Road Initiative ay nakapaglatag ng mahalagang pundasyon para sa pagsasakatuparan ng Aprika at Tsina ng mutuwal na kapakinabangan, win-win situation, at komong kaunlaran.
Sumaksi rin ang dalawang lider sa paglagda ng dokumento ng bilateral na kooperasyon.
Salin: Vera