Ayon sa estadistikang inilabas kamakailan ng pamahalaan ng Brunei, noong unang kuwarter ng taong ito, ang Tsina ay nagsilbing pinakamalaking pinanggagalingan ng turista ng Brunei.
Noong unang kuwarter ng kasalukuyang taon, 70,729 person-time na turistang dayuhan ang dumating ng Brunei International Airport, na lumaki ng 4.1% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon. Kabilang dito, 26.2% ang bahagi ng mga turistang Tsino.
Bukod sa Tsina, ang Malaysia, Indonesia, Pilipinas at Singapore ay ibang mga pangunahing pinanggagalingan ng turista ng Brunei.
Salin: Vera