|
||||||||
|
||
Beijing, Tsina—Nakipag-usap Miyerkules, Hunyo 13, 2018, si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, kay Dato Paduka Haji Erywan bin Pehin Yusof, dumadalaw na Second Minister of Foreign Affairs and Trade ng Brunei.
Ipinahayag ni Wang na nakahanda ang panig Tsino, kasama ng panig ng Brunei, na ipatupad ang mga komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa, at pahigpitin ang pagpapalagayan sa mataas na antas. Palalalimin aniya ng dalawang bansa ang estratehikong konektibidad, at pasusulungin ang "Belt and Road" cooperation. Nakahanda ang Tsina na magpunyagi, kasama ng Brunei, para mapasulong ang relasyon ng dalawang bansa, at mapataas ang relasyon ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), dagdag pa ni Wang.
Si Dato Paduka Haji Erywan bin Pehin Yusof (kaliwa), Second Minister of Foreign Affairs and Trade ng Brunei, at si Wang Yi (kanan), Ministrong Panlabas ng Tsina
Ipinahayag naman ni Erywan na nananalig ang kanyang bansa na sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Xi Jinping, matatamo ng Tsina ang mas malaking tagumpay na pangkaunlaran.
Nagpalitan din ng kuru-kuro ang magkabilang panig hinggil sa isyu ng South China Sea. Kapuwa nila sinang-ayunang ipagpatuloy ang komprehensibo't mabisang pagpapatupad ng Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea, at pagpapasulong sa pagsasanggunian hinggil sa Code of Conduct in the South China Sea.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |