Xiamen, Lalawigang Fujian ng Tsina--Binuksan Sabado, Setyembre 8, 2018 ang ika-20 China International Fair for Investment and Trade. Nagpadala ng mensaheng pambati sa perya si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Tinukoy ni Xi na nitong nakalipas na mahigit 20 taon, nagpunyagi ang nasabing perya para likhain ang tatlong plataporma sa aspekto ng pagpapasulong sa mutuwal na pamumuhunan, pagpapalabas ng autorisadong impormasyon, at pananaliksik sa tunguhin ng pamumuhunan. Aniya, ang peryang ito ay nagsilbing isa sa mga pandaigdigang perya ng pamumuhunan na may pinakamalaking impluwensiya sa daigdig, at gumawa ng positibong ambag para sa reporma, pagbubukas, at konstruksyon ng sosyalistang modernisasyon ng Tsina.
Binigyang-diin din ni Xi na ang taong 2018 ay ika-40 anibersaryo ng pagsasagawa ng Tsina ng reporma at pagbubukas sa labas. Magiging mas malawak aniya ang digri ng pagbubukas ng Tsina. Umaasa aniya siyang magiging mahalagang plataporma ng bagong round ng pagbubukas sa labas ng Tsina ang naturang perya, at gagawa ng positibong papel para sa pagpapasulong sa pagbuo ng bagong kayarian ng komprehensibong pagbubukas ng bansa, at pagtatatag ng bukas na kabuhayang pandaigdig.
Salin: Vera