Mula ika-11 hanggang ika-12 ng buwang ito, dadalo si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Ika-4 na Eastern Economic Forum, na idaraos sa Vladivostok, Rusya.
Kaugnay nito, sinabi ngayong araw, Biyernes, Setyembre 7, 2018, ni Zhang Hanhui, Asistanteng Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang pagdalo ni Pangulong Xi sa naturang porum ay nagpapakita ng mataas na lebel na relasyong Sino-Ruso, at lubos na pagpapahalaga ng Tsina sa paglahok sa kooperasyon ng Far East.
Ayon pa rin kay Zhang, sa panahong iyon, mag-uusap din sina Pangulong Xi at Pangulong Vladimir Putin ng Rusya. Ito aniya ay magiging ikatlong pagtatagpo ng naturang dalawang lider sa loob ng taong ito, at makakatulong sa pragmatikong kooperasyon ng Tsina at Rusya sa susunod na yugto.
Salin: Liu Kai