Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

21st Century Maritime Silk Road China (Guangdong) International Communication Forum, gaganapin

(GMT+08:00) 2018-09-11 17:57:46       CRI

Nakatakdang idaos sa Zhuhai, Guangdong, Tsina ang Ika-2 21st Century Maritime Silk Road China (Guangdong) International Communication Forum mula ika-19 hanggang ika-21 ng buwang ito.

Ito ang ipinahayag sa preskon ngayong araw ng Tanggapan ng Impormasyon ng Pamahalaang Probinsyal ng Guangdong.

Bubuuin ang gaganaping porum ng tatlong sub-forum na nagtatampok sa pagpapakilala sa daigdig ng mga tatak ng Guangdong, pagpapasulong ng de-kalidad na pag-unlad sa pamamagitan ng inobasyong pansiyensya't panteknolohiya, at mga pagkakataon ng Guangdong-Hong Kong-Macao Greater Bay Area.

Mahigit sanlibong panauhin na kinabibilangan ng mga puno ng organisasyong panrehiyon at pandaigdig, mangangalakal, dalubhasa, at media practioner ang inaasahang lalahok sa porum. Ang mga media organization mula sa mga may kinalamang bansa ay magkokober sa porum.

Si Hu Bangsheng sa preskon

Sa ngalan ng China Radio International (CRI), China Media Group (CMG), lumahok sa preskon si Hu Bangsheng, Pangalawang Presidente ng CRI. Sinabi niyang may mahalagang katuturan ang idaraos na porum sa okasyon ng ika-40 anibersaryo ng pagsasagawa ng pamahalaang Tsino ng reporma't pagbubukas sa labas. Bilang pangunahing media na ari ng estado, patuloy na ipapakilala ng CMG ang kapasiyahan ng pamahalaang Tsino na ibayo pang magbukas sa labas at tumutol sa proteksyonismo para mapasulong ang komong kasaganaan at itatag ang komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan para sa sangkatauhan.

Salin: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>