|
||||||||
|
||
Ginanap araw ng Linggo, Mayo 14, 2017 sa Beijing ang People-to-people Connectivity Thematic Session ng Belt and Road Forum for International Cooperation (BRF).
Mahigit 400 kinatawan mula sa mahigit 60 bansa na kinabibilangan ni Dino Apolonio, General Manager ng PTV4 ang lumahok sa nasabing pulong na may temang "Magkakasamang Pagtatatag ng Tulay ng Konektibidad na Pantao at Magkakasamang Pagpapasulong ng Kaunlaran at Kasaganaan."
May anim na thematic session ang BRF. Ang tema ng ibang lima pang sesyon ay may kinalaman sa pagpapalitan ng mga think tank, konektibidad na pang-inprastruktura, konektibidad na pinansyal, konektibidad na pangkalakalan, at konektibidad ng mga patakaran at estratehiyang pangkaunlaran.
Ang nasabing mga tema ay nagpapakita rin ng pakay ng Belt and Road Initiative na iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina noong 2013 para mapasulong ang komong kasaganaan.
Idinaos sa Beijing ang BRF na nilahukan ng mga lider ng daigdig na kinabibilangan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas.
Salin/Edit: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |