SINABI ng United Nations Office for the Coordination of Humanitarian Affairs o OCHA, na posibleng umabot sa limang milyong mamamayan ang maapektuhan ng bagyong "Ompong."
Sa ulat ng United Nations, ang mga pinakaapektado ng bagyo ay ang mga naninirahan sa loob ng lawak na 125 kilometro
Maihahambing ang hagupit ni "Ompong" sa pinsalang dulot ni Lawin o Haima na tumama sa Pilipinas noong 2016. Higit na napinsala ang ma pananim at mga tahanan. Posible rin ang pagguho ng lupa.
Tatama ang bagyo sa panahon ng anihan ng palay at mais sa Cagayan na isang agricultural region.
Handa na rin ang Department of Social Welfare and Development sa pagkakaroon ng pondong aabot sa P 840 milyon at higit sa 350,000 foodpack sa pambansa at pangrehiyong mga bodega.