BINALAAN ng PAGASA ang mga naninirahan sa may Agno River at mga kalapit ilog laban sa mga flashflood at pagguho ng lupa sapagkat malaki ang posibilidad na mabigat ang ulang dala ng bagyong "Ompong."
Posibleng maapektuhan ang mga Ambayaon River, Viray-Depalo River, Nabila at Totonogen Rivers, Tarlac, Camiling, Bayaoas rivers, Pantal-Sinolacan River at ang Cayanga River.
Ayon sa PAGASA, kailangang lumikas ang mga naninirahan sa mga pook na ito lalo pa't problemado na ang kanilang drainage system.
Wala pa naman sa Alert Level ang tubig sa mga ilog na binanggit.