|
||||||||
|
||
SINABI ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na posibleng mabuwag ang National Food Authority sa oras na magpasa ng batas ang dalawang kapulugan ng Kongreso na maggagawad ng taripa sa aangkating bigas sa halip na magpanatili ng rice quota.
Nanawagan sina Senador Aquilino Pimentel III at Sherwin Gatchalian na buwagin na ang NFA na kanilang inakusahang inutil sa pagpapatatag ng presyo ng bigas sa pamilihan.
Nagalit din si Pimentel sa paglaganap ng bukbok sa libu-libong sako ng bigas sa mga daungan sa Subic at sa Albay kaya't nabalam ang pagbababa ng bigas patungo sa mga pamilihan.
Ipinaliwanag ni Secretary Roque na sa pagkakaroon ng rice tariff, makapag-aangkat na ang sinuman at mawawalan na ng saysay ang National Food Authority.
Ito ang kanyang binanggit sa panayam sa Radyo Pilipinas. Nagkakaroon umano ng monopoly sa pag-aangkat ng bigas na hindi rin naman nakalutas sa kakulangan ng bigas.
Ipinasa ng House of Representatives noong Martes, ika-14 ng Agosto ang kanilang bersyon ng rice tariffication measure na naglalayong ipagsanggalang ang mga gumagawa ng mga produktong mula sa mga sakahan, matiyak ang seugridad ng paglain at magkaroon ng tinaguriang "viable and globally-competitive agricultural sector."
Tatatag din umano ang halaga ng bigas at makatutugon sa gawa-gawang kakulangan ng bigas sa pamilihan.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |