Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga manggagawa, nagmartsa patungong Mendiola

(GMT+08:00) 2018-08-28 16:28:52       CRI

NAGSAMA-SAMA ang mga manggagawa, mga kabilang sa iba't ibang samahan ng simbahan upang ipahayag ang kanilang pagtuligsa sa madugong pagbuwag sa mga nagwewelgang manggagawa at mga mamamayan kasabay ng sumisidhing kalagayan ng ekonomiya.

Libu-libong mga manggagawa ang nagmartsa patungo sa Mendiola upang gunitain ang National Heroes Day at pagkondena sa panggigipit sa mga karapatan ng organisadong manggagawa at tumitinding hirap dulot ng mataas na presyo ng bilihin.

Ayon kay Elmer Labog ng Kilisang Mayo Uno, kinukulong ang mga lider manggagawana ang sandigan ay walang basehang kaso, isinasangkot sa droga at iba pang karaniwang krimen.

Noong nakalipas na buwan, ang mga nagwelgang manggagawa na kontra sa kontraktuwalisasyon ay binuwag ng mga security guard at pulis ng Bulacan sa NutriAsia sa pagtatapos ng kanilang idinaos na religious service o sama-samang pagdarasal.

MGA MANGGAGAWA, NAGSAMA-SAMA, KINONDENA ANG PANGGIGIPIT AT TAAS NG PRESYO NG BILIHIN.  Mga manggagawang kabilang sa 18 samahan ang nagtipon mula sa Welcome Rotonda, sa UST sa Espana at nagaamasa sa Mendiola upang iparating sa pamahalaan ang kanilang mga hinaing ngayong National Heroes Day.  (Melo M. Acuna)

Idinagdag pa ni Labog na walang katuturan ang mga pagkondena ni Pangulong Duterte sa mga dambuhalang kompanyang pag-aari ng iilang pamilya. Malaya pa ring nakapanggigipit ang mga may-ari ng kumpanya at 'di pa rin napapanagot sa kanilang mga paglabag sa batas.

Hindi rin umano kinikilala ng malalaking kumpanyang banyaga na nasa loob ng economic zone ang mga batas paggawa ng Pilipinas. Nakatatanggap pa umano ng mga biyaya mula sa pamahalaan ang mga foreign investor na lumalabag sa batas.

Ayon kay Renato Magtubo, co-chair ng Church-Labor Conference, may mga larawan ang mga labor organizer sa mga daanan patungo sa special economic zone na kinikilalang "Wanted" o mga salaring pinaghahanap ng batas.

Sa isang pahayag, sinabi naman ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, co-chair ng CLC, na sa pamamagitan ng contractualization, tone-toneladang kita ang nakakamtan ng mga malalaking kapitalista. Mababa na ang sahod, wala pang ibang benepisyong nakakamtan ang mga manggagawa, dagdag pa ni Bishop Pabillo.

Lumalambot na umano si Pangulong Duterte sa kanyang pangakong wawakasan ang kontraktualisasyon na unang binitawan noong nangangampanya pa lamang sa panguluhan noong 2016.

Sinisisi ng mga mangagawa ang pagpapatupad ng TRAIN 1 sa pagtaas ng halaga ng mga bilihin. Kabilang sa mga nagtipon ang mga kabilang sa 18 mga samahan ng mga manggagawa at iba't ibang support groups.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>