|
||||||||
|
||
Ipinalabas Lunes, Setyembre 24, 2018, ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina ang white paper ng "Katotohanan at Posisyon ng Panig Tsino Tungkol sa Alitang Pangkabuhayan at Pangkalakalan ng Tsina at Amerika." Layon nitong ipaliwanag ang katotohanan ng relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Amerika, ilahad ang patakaran at posisyon ng Tsina sa alitang pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa, at pasulungin ang makatuwirang paglutas sa isyung ito.
Anang white paper, ang Tsina ang pinakamalaking umuunlad na bansa sa daigdig, at ang Amerika naman ang pinakamalaking maunlad na bansa sa daigdig. Ang relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Amerika ay may napakalaking katuturan hindi lamang sa dalawang bansa, kundi maging sa katatagan at kaunlaran ng kabuhayang pandaigdig.
Tinukoy nito na dahil sa pagkakaiba ng yugto ng pag-unlad ng kabuhayan at sistemang pangkabuhayan ng Tsina at Amerika, nagiging normal ang pag-iral ng alitang pangkabuhayan at pangkalakalan. Ang susi ay kung paano mapapalalim ang pagtitiwalaan, mapapasulong ang kooperasyon, at kokontrolin ang alitan, anito pa.
Ngunit, sapul nang maupo sa puwesto ang bagong pamahalaang Amerikano noong 2017, sa ilalim ng islogang "Ipauna ang Amerika," itinakwil nito ang mga pundamental na prinsipyong pandaigdig na gaya ng paggagalangan sa isa't-isa, at pantay na pagsasanggunian, at isinasagawa ang unilateralismo, proteksyonismo, at economic hegemonism.
Dagdag ng dokumento, sa harap ng kalagayang ito, iginigiit ng Tsina ang pundamental na prinsipyo ng paglutas sa alitan sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian para mapangalagaan ang komong kapakanan ng dalawang bansa at pandaigdigang kaayusang pangkalakalan. Ngunit, walang humpay na pinaiigting ng panig Amerikano ang alitang pangkabuhayan at pangkalakalan sa Tsina, bagay na grabeng nakakapinsala sa relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang panig. Upang mapasulong ang makatuwirang paglutas sa isyung ito, inilabas ng pamahalaang Tsino ang nasabing white paper.
Para sa Tsina at Amerika, ang kooperasyon ay siyang tanging tumpak na pagpili, dagdag pa ng white paper.
Salin: Li Feng
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |