|
||||||||
|
||
Sa kanyang pakikipagkita nitong Biyernes, Setyembre 21, 2018, kay Terry Branstad, Embahador ng Amerika sa Tsina, iniharap ni Pangalawang Ministrong Panlabas Zheng Zeguang ng Tsina ang solemnang representasyon at protesta sa pagsasagawa ng Amerika ng sangsyon laban sa organong militar at namamahalang tauhan ng Tsina.
Tinukoy ni Zheng na sa katuwiran ng pagsasagawa ng Tsina at Rusya ng mga kaukulang kooperasyong militar, ang pagpapataw ng sangsyon ng Amerika laban sa organong militar at namamahalang tauhan ng Tsina ay grabeng lumalabag sa pundamental na prinsipyo ng pandaigdigang batas. Aniya, ang kooperasyong militar ng Tsina at Rusya ay normal na kooperasyon sa pagitan ng dalawang sobernanong bansa, at walang anumang karapatan ang panig Amerikano na panghimasukan ito.
Sinabi niya na ang nasabing aksyon ng panig Amerikano ay grabeng nakakapinsala sa relasyong Sino-Amerikano, at grabe itong nakakaapekto sa kooperasyon ng dalawang bansa sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig. Isasagawa ng panig Tsino ang lahat ng kinakailangang hakbangin upang buong tatag na maipagtanggol ang kapakanan ng bansa, dagdag pa niya.
Salin: Li Feng
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |