|
||||||||
|
||
Nitong Lunes, Setyembre 17, 2018, sa kabila ng maramihang pagtutol sa loob ng bansa, idineklara ng Amerika na mula ika-24 ng kasalukuyang buwan, daragdagan ng 10% taripa ang mga produktong aangkatin mula sa Tsina na nagkakahalaga ng halos 200 bilyong dolyares. Bukod dito, isasagawa nito ang mga iba pang tariff upgrading measures.
Kaugnay nito, ipinahayag Martes, Setyembre 18, 2018, ng tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, ang lubos na kalungkutan sa nasabing aksyon ng Amerika. Aniya, upang mapangalagaan ang sariling lehitimong karapatan at kapakanan at pandaigdigang kaayusan ng malayang kalakalan, walang ibang pagpili ang panig Tsino kundi magsagawa nang sabay ng mga countermeasures.
Dulot ng nagawang di-matalinong kapasiyahan ng Amerika, posibleng tumaas ang lebel ng digmaang pangkalakalan sa pagitan ng Tsina at Amerika. Magugunitaing ilang araw na ang nakararaan, inilabas ng panig Amerikano sa panig Tsino ang paanyayang magdaos ng bagong round ng talastasang pangkabuhayan at pangkalakalan, at winiwelkam ito ng panig Tsino. Ngunit kasalukuyang biglang idineklara ng panig Amerikano ang panahon ng pagpapataw ng karagdagang taripa sa mga produktong Tsino na naglalayong ituloy ang presyur laban sa Tsina at makuha ang mas malaking benepisyo. Tungkol dito, tinukoy ng panig Tsino na ang lantarang pagdaragdag ng Amerika ng taripa sa mga produktong Tsino ay nakakapagbigay ng mga bagong elementong kawalang katatagan sa pagsasanggunian ng dalawang panig. Umaasa itong malalaman ng panig Amerikano ang mga negatibong resultang dulot ng nasabing aksyon nito.
Salin: Li Feng
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |