Noong Setyembre 20, sinimulan ang subok-operasyon ng Cat Linh-Ha Dong Light Rail sa Hanoi, Biyetnam. Bilang unang urban light rail na tumatakbo sa Biyetnam, ang proyektong ito ay itinayo ng kompanyang Tsino. 13.5 kilometro ang kabuuang haba, at 868 milyong dolyares ang pamumuhunan.
Sumakay minsan ng tren sa naturang light rail si Nguyen Ngoc Dong, Pangalawang Ministro ng Transportasyon ng Biyetnam. Sinabi niyang, ang modernong light rail na ito ay magkakaloob ng isang mabilis at maginhawang transportasyon sa mga residente sa Hanoi, para maiwasan ang siksikan ng trapiko, na dulot ng parami nang paraming motorsiklo at kotse. Ito rin aniya ay makakatulong sa pagbabawas ng polusyon sa kapaligiran sa lunsod na ito.
Ang Cat Linh-Ha Dong Light Rail ay itinayo ng China Railway Sixth Group Co., Ltd. Sinimulan ang konstruksyon noong Oktubre 2011, at may pag-asang isasagawa ang pormal na operasyon sa katapusan ng taong ito.
Salin: Liu Kai