Ayon sa ulat ng Vietnam Economic Times, Hunyo 25, 2018, mahigit 2 bilyong dolyares ang halaga ng pagluluwas ng prutas at gulay ng Biyetnam sa unang hati ng 2018, at ito ay lumaki nang 19.4% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon. Tinatayang aabot sa 4 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng pagluluwas ng taong ito.
Ang Tsina ang pinakamalaking pamilihan ng pagluluwas ng prutas at gulay ng Biyetnam. Noong unang hati ng taong ito, ang halaga ng pagluluwas ng prutas at gulay ng Biyetnam sa Tsina ay umabot sa halos 1.2 bilyong dolyares, ito ay lumaki nang 18.1% kumpara sa gayun din panahon ng tinalikdang taon. Ang Amerika ay nasa ikalawang puwesto, at ang Hapon ay ikatlo.
salin:Lele