SINABI ni Ambassador Zhao Jianhua na maganda ang nakamtan ng Pilipinas at Tsina sa magandang relasyon mula ng maluklok si Pangulong Rodrigo Duterte higit na sa dalawang taon ang nakalilipas.
Sa kanyang talumpati sa pagdiriwang ng ika-69 na taong pagkakatatag ng People's Republic of China na idinaos sa Makati Shangri-La Hotel kagabi, sinabi ni Ambassador Zhao na nagkaroon na ng limang pagtatagpo sina Pangulong Xi Jinping at Rodrigo Duterte sa bilateral at multi-lateral occasions. Nakadalaw na rin sa Pilipinas ang mga namumuno sa Tsina at naging matagumpay ang mga pagkakataong ito.
Higit na lulalim ang pagkakaibigan sa pagkakaroon ng pag-uusap at konsultasyon kaya't lalong gumanda ang katayuan ng ugnayang panglabas, tanggulang pambansa, enerhiya, economiya at kalakal, pangisdaan at maging sa larangan ng science and technology. Nagkaroon na rin ng mga pagdalaw ang mga Tsino at Pilipino at ugnayan sa larangan ng mga pamahalaang lokal, mga ahensya sa media, mga Pamantasan, think-tanks at mga samahang kultural.
Umaasa si Ambassador Zhao na higit na gaganda ang pagtutulungan ng ASEAN at Tsina sa panunungkulan ng Pilipinas bilang coordinator ngayong taong ito.
Ang kalakalan sa pag-itan ng Pilipinas at Tsina ay humigit na sa US$ 50 bilyon at nangungunang bansa ang Tsina sa larangan ngpakikipagkalakal sa Pilipinas. Ang Tsina rin ang pang-apat na pinakamalaking pamilihan ng mga paningda ng Pilipinas.