Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Professor Peng Liyuan, nanawagang magpunyagi para bigyang-wakas ang tuberculosis

(GMT+08:00) 2018-09-28 10:18:45       CRI

New York, Amerika--Idinaos Miyerkules, Setyembre 26, 2018 ang mataas na pulong ng Ika-73 United Nations General Assembly (UNGA) hinggil sa paglaban sa tuberculosis (TB). Sa kanyang video speech sa pulong, nanawagan si Professor Peng Liyuan, First Lady ng Tsina at Goodwill Ambassador ng WHO para sa TB at HIV/AIDS, sa iba't ibang bansa ng daigdig, na magtulungan sa ilalim ng End TB Strategy ng World Health Organization (WHO), para sa pagbibigay-wakas sa pagkalat ng TB.

Isinalaysay din ni Peng ang kalagayan ng paglaban sa TB sa Tsina. Aniya, dahil sa pagpapahalaga ng pamahalaan at iba't ibang sektor ng lipunan ng bansa, at paglahok ng mahigit 700 libong boluntaryo, mabilis na sumusulong ang mga gawain ng Tsina laban sa TB. Sinabi niyang, tumataas sa Tsina ang case detection rate at cure rate ng mga may-sakit ng TB, at bumababa ang incidence rate at fatality rate ng sakit na ito.

Nangulo sa pulong si Maria Fernanda Espinosa Garces, Presidente ng UNGA. Pinagtibay sa pulong ang deklarasyong pulitikal tungkol sa Paglaban sa TB.

Ipinahayag ni Tereza Kasaeva, Direktor ng WHO Global TB Program, na bilang Goodwill Ambassador ng WHO para sa TB at HIV/AIDS at First Lady ng Tsina, ang ginawang pagsisikap ni Professor Peng ay nakapagpalakas ng kamalayan ng mga tao sa pagpigil at paggamot ng sakit.

Sinabi naman ni Dr. Lucica Ditiu, Executive Director ng Stop TB Partnership, na nalaman niya ang ginawang pagsisikap ng Tsina sa pagpigil sa TB. Pinasalamatan din niya ang pagkatig ng Tsina sa pandaigdigang usapin ng pagpigil at paggamot sa TB.

Nagpahayag naman si Ren Minghui, WHO Assistant Director-General for HIV & TB, ng pag-asang sa hinaharap, mangunguna sa buong mundo ang Tsina sa aspekto ng pagpawi sa TB bago ang taong 2030 at pagkontrol sa TB sa mababang lebel. Umaasa rin siyang patuloy na gagawa ang Tsina ng mas maraming pagsisikap at ambag para rito.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>