Sa video speech ni First Lady Peng Liyuan ng Tsina, sa mataas na pulong ng Ika-73 United Nations General Assembly hinggil sa paglaban sa tuberculosis (TB), na idinaos kahapon, Miyerkules, ika-26 ng Setyembre 2018, sa New York, Amerika, nanawagan siya sa iba't ibang bansa ng daigdig, na magtulungan sa ilalim ng End TB Strategy ng World Health Organization, para sa pagbibigay-wakas sa pagkalat ng TB.
Isinalaysay din ni Peng ang kalagayan ng paglaban sa TB sa Tsina. Aniya, dahil sa pagpapahalaga ng pamahalaan at iba't ibang sektor ng lipunan ng bansa, at paglahok ng mahigit 700 libong boluntaryo, mabilis na sumusulong ang mga gawain ng Tsina laban sa TB. Sinabi niyang, tumataas sa Tsina ang case detection rate at cure rate ng mga may-sakit ng TB, at bumababa ang incidence rate at fatality rate ng sakit na ito.
Si Peng ang Goodwill Ambassador ng WHO para sa TB at HIV/AIDS.
Salin: Liu Kai