Punong himpilan ng UN, New York—Huwebes, Setyembre 27, local time, dumalo si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, sa pulong ng United Nations Security Council (UNSC) hinggil sa isyu ng Korean Peninsula. Binigyang-diin niyang dapat magpunyagi ang iba't ibang panig para itatag ang isang mapayapa, matatag, walang nuklear, at may kooperasyon at win-win situation na peninsula.
Aniya, sa mula't mula pa'y naninindigan ang panig Tsino sa pagsasakatuparan ng target ng denuklearisasyon, pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng peninsula, at pagresolba ng mga problema sa pamamagitan ng diyalogo't pagsasanggunian. Aniya, ang kasalukuyang positibong progreso ng kalagayan ng Korean Peninsula ay target na hinahanap ng Tsina.
Nanawagan aniya ang panig Tsino sa iba't ibang may kinalamang panig na pasulungin ang diyalogo't talastasan, at magkasamang likhain ang pangmatagalang kapayapaan ng peninsula.
Salin: Vera