Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ministrong Panlabas ng Tsina, dumalo sa pulong ng UNSC hinggil sa pangangalaga sa pandaigdigang kapayapaan at katiwasayan

(GMT+08:00) 2018-09-27 17:00:47       CRI

Punong himpilan ng United Nations (UN), New York—Dumalo Miyerkules, Setyembre 26, local time, si Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, sa pulong ng UN Security Council (UNSC) hinggil sa pangangalaga sa pandaigdigang kapayapaan at katiwasayan.

Ipinahayag ni Wang na ang pangangalaga sa pandaigdigang kapayapaan at katiwasayan ay pangunahing tungkulin ng UNSC at komong responsibilidad ng lahat ng mga miyembro nito.

Aniya, ang paninindigan ng Tsina sa isyu ng non-proliferation ay: una, dapat patibayin at kompletuhin ang international non-proliferation system; ika-2, dapat balanseng pasulungin ang pagpapatupad ng mga non-proliferation treaty; at ika-3, dapat pasulungin ang kooperasyong pandaigdig, at pataasin ang kakayahan ng iba't ibang bansa sa non-proliferation, para maisakatuparan ang unibersal na seguridad.

Dagdag ni Wang, ang Joint Comprehensive Plan of Action (JCPOA) ay bunga ng multilateralismo, at buong pagkakaisa itong inaprobahan ng UNSC. Hinimok ng panig Tsino ang Iran na patuloy na ipatupad ang iba't ibang pangako. Samantala, dapat igalang ang lehitimong karapatan at kapakanan ng iba't ibang panig sa pagsasagawa ng normal na kooperasyong pangkabuhaya't pangkalakalan sa Iran, aniya pa.

Kaugnay naman ng kalagayan ng Korean Peninsula, sinabi ni Wang na may malinaw na tunguhin ng paghupa ng situwasyon, at walang tigil na nagsisikap ang panig Tsino para rito. Dapat aniyang pahalagahan at samantalahin ang kasalukuyang pagkakataon, at idaan ang pangakong pulitikal ng iba't ibang bansa sa aktuwal na aksyon, para maisakatuparan ang pangmatagalang kapayapaan ng peninsula sa lalong madaling panahon.

Binigyang-diin ni Wang na buong tatag na sinusunod ng Tsina ang solemnang pangako sa simulain at prinsipyo ng UN Charter, pinangangalagaan ang modernong sistemang pandaigdig, kung saan, ang nukleo ay UN, at mataimtim na isinasabalikat ang sariling responsibilidad at obligasyong pandaigdig.

Ipinag-diinan din niyang sa nakaraan man o sa hinaharap, hinding-hindi nakikialam ang Tsina sa mga suliraning panloob ng alinmang bansa, at hinding-hindi rin nito tatanggapin ang anumang walang batayang pagbatikos hinggil dito. Nanawagan siya sa ibang bansa na sundin ang simulain ng UN Charter, at huwag makialam sa mga suliraning panloob ng ibang bansa.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>