|
||||||||
|
||
Niyanig ng lindol na may lakas na 7.5 sa Richter Scale ang Sulawesi Island, Indonesia, at nagdulot ito ng tsunami na ikinamatay na ng mahigit 400 katao. Ipinahayag ni Muhammad Jusuf Kalla, Pangalawang Pangulo ng Indonesia, posibleng tumaas sa ilang libo ang bilang ng biktima.
Libu-libong gusaling kinabibilangan ng pabahay, ospital, at otel ang gumuho nasira sa nasabing lindol.
Ipinahayag ni Federica Mogherini, mataas na kinatawan ng Unyong Europeo (EU) na namamahala sa patakarang diplomatiko at panseguridad, ang pakikidalamhati sa mga kamag-anakan ng mga biktima. Aniya, puspusang tutulungan ng EU ang pamahalaan at mga mamamayang Indones upang mapagtagumpayan ang kalamidad.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |