Ipinadala Oktubre 2, 2018, ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa ang mensahe kay Nguyen Phu Trong, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Biyetnam (CPV), kaugnay ng pagyao ni Do Muoi, dating Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPV.
Sa ngalan ng CPC, pamahalaan, at mga mamamayan ng Tsina, ipinahayag ni Xi ang kalungkutan sa pagyao ni Do Muoi at pakikiramay sa kanyang pamilya.
Ani Xi, si Do Muoi ay nagbigay ng malaking ambag sa pag-unlad ng kanyang bansa at relasyon ng mga partido ng Biyetnam at Tsina.
salin:Lele