Ipinatalastas nitong Miyerkules, Oktubre 3 (local time), ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos ang pagkalas ng bansa sa 1955 Treaty of Amity with Iran.
Ginawa ng Amerika ang nasabing desisyon makaraang magpalabas nang araw ring iyon ang International Court of Justice ng hatol na nagsasabing labag sa nasabing kasunduan ang pagpapanumbalik ni Pangulong Donald Trump ng mga sangsyon laban sa Iran.
Nitong nagdaang Mayo, ipinatalastas ni Trump ang pag-urong ng Amerika sa Joint Comprehensive Plan of Action (JCPOA) o Iran Nuclear Deal, at muling pagpapataw ng mga sangsyon laban sa Iran.
Salin: Jade