Nakatakdang dumalaw si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa Tajikistan, Netherlands, at Belgium mula ika-11 hanggang ika-19 ng buwang ito. Lalahok din siya sa Ika-17 Pulong ng Konseho ng mga Puno ng Pamahalaan (Punong Ministro) ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) na gaganapin sa Dushanbe, Tajikistan, at Ika-12 Summit ng Asia-Europe Meeting (ASEM) sa Brussels, Belgium.
Ito ang ipinahayag ngayong araw, Huwebes, ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina. Isasagawa ni Premyer Li ang nasabing biyahe sa paanyaya nina Punong Ministro Kohir Rasulzoda ng Tajikistan, Punong Ministro Mark Rutte ng Netherlands, Presidenteng Donald Tusk ng European Council, Presidenteng Jean-Claude Juncker ng European Commission, at Punong Ministro Charles Michel ng Belgium, dagdag pa ni Hua.
Salin: Jade