Ipininid kahapon, Martes, ika-21 ng Nobyembre 2017, sa Naypyitaw, Myanmar, ang Ika-13 Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Asia-Europe Meeting (ASEM).
Batay sa komong palagay na narating sa ASEM Summit noong isang taon hinggil sa pagpapasulong ng konektibidad ng Asya at Europa, itinakda sa kasalukuyang pulong ang mga konkretong gawain sa usaping ito.
Ayon kay Ministrong Panlabas Sven Mikser ng Estonia, kasalukuyang tagapangulong bansa ng Unyong Europeo at punong abala sa susunod na ASEM Summit, ang mga pangunahing gawain sa hinaharap ay kinabibilangan ng pagpapalinaw ng mga detalyadong aspekto at pamantayan sa pagpapasulong ng konektibidad, pag-aaral sa sustainability at feasibility ng usaping ito, pagtatakda ng mga pandaigdig na batas at regulasyong dapat sundin, pagbuo ng quality inspection system, at iba pa.
Salin: Liu Kai