Ipinadiinan ni Wu Haitao, Pangalawang Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa United Nations (UN) na kailangang lutasin ng komunidad ng daigdig ang isyu ng di-ganap na pag-unlad, at kailangan ding lutasin ang di-balanseng pag-unlad.
Sa isang pangkalahatang debatehan hinggil sa pag-unlad ng lipunan ng Ika-73 Sesyon ng Pangkalahatang Asemblea ng UN (UNGA) na ginanap nitong Miyerkules, Oktubre 3 (local time), inilahad ni Wu na bilang tugon sa di-balanseng pag-unlad, dapat igiit ng iba't ibang bansa ang multilateralismo, balanseng tupdin ang 2030 Agenda para sa Sustenableng Pag-unlad, at palakasin ang pagiging inklusibo ng pag-unlad.
Ipinahayag din ng kinatawang Tsino ang kahandaan ng Tsina na makipagtulungan sa iba't ibang bansa para maisakatuparan ang komong kasaganaan at itatag ang komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan para sa sangkatauhan.
Salin: Jade