Ipinahayag nitong Huwebes, Setyembre 4 (local time) ni Sergey Ryabkov, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Rusya na mapanganib sa relasyong Ruso-Amerikano ang akusayon ng Amerika sa di-umano'y hacking ng Rusya.
Ipinatalastas nang araw ring iyon ng Kagawaran ng Katarungan ng Amerika ang sakdal sa pitong opisyal militar ng Rusya na pinaghihinalaang nakilahok sa hacking sa mga doping agency at ibang mga organisasyong pandaigdig.
Sinabi ni Ryabkov na layon ng nasabing akusayon ng panig Amerikano ay mapangatwiranan ang ibayo pang sangsyon at presyur nito laban sa Rusya.
Salin: Jade