Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Komentaryo: Tsina, hindi kalaban ng Amerika: Powell at Albright

(GMT+08:00) 2018-10-10 14:40:32       CRI
Sa kanyang talumpati kamakailan sa Hudson Institute, think tank na nakabase sa Washington, ipinahayag ni Mike Pence, Pangalawang Pangulo ng Amerika ang walang batayang akusasyon hinggil sa mga patakarang panloob at panlabas ng Tsina. Ibayo pang nagpalamig ito sa relasyong Sino-Amerikano. Bilang matinding pagtutol, ipinahayag ng panig opisyal ng Tsina na ang pananalita ni Pence ay pagkalito sa tama at mali at haka-haka lamang. Maging ilan sa mga dating Kalihim ng Estado ng Amerika ay ayaw manatiling walang imik. Magkasamang kinapanayam kamakailan ni Fareed Zakaria, kilalang host ng CNN sina Colin Powell, unang Aprikano-Amerikanong Kalihim ng Estado sa ilalim ni Pangulong George W. Bush, at Madeleine Albright, unang babaeng Kalihim ng Estado na nanungkulan sa administrasyon ni Pangulong Bill Clinton. Kapuwa buong-linaw na tinukoy ng dalawang kalihim ng estado na ang Tsina ay hindi kalaban ng Estados Unidos. Hiniling din nila sa kasalukuyang administrasyong Amerikano na huwag lumikha ng situwasyon ng Cold War sa Tsina.

"Walang dudang ang Tsina ay isang umaahong puwersang malakas. Sa isang banda, bunga ito ng sarili nitong kasaysayan at kakayahan. Sa kabilang banda, mayroon kaming iniwang kakulangan at hindi gumaganap ng papel na dapat nating gampanan," saad ni Albright. Tinukoy naman ni Powell na ang digmaang pangkalakalan ay ang huling bagay na dapat magkaroon ang Amerika dahil ang mga mamimiling Amerikano na bumibili ng de-kalidad at mababang presyong panindang Tsino ang sasagot sa karagdagang halaga at gastos na dulot nito. Bilang tugon sa kapasiyahan ng White House na tanggihan ang mga estudyanteng Tsino, sinabi ni Powell na kailangang pakinggan ng White House ang palagay rito ng mga presidente ng pamantasang Amerikano kung saan aabot sa 300,000 estudyanteng Tsino ang nag-aaral, at may kakayahang magbayad ng buong matrikula.

Bilang dating National Security Advisor, Chairman ng Joint Chiefs of Staff, at Kalihim ng Estado, malalim ang pagkakaunawa ni Powell sa situwasyong militar ng Tsina at Amerika at sa kahalagahan ng kooperasyong diplomatiko. Ito ang dahilan na iminungkahi niyang lutasin ang mga problema sa pamamagitan ng diyalogo. Binanggit ni Powell kung paano siya tumugon sa banggaan ng isang eroplanong Amerikano at isang eroplanong Tsino sa South China Sea. Ipinagdiinan niya ang pangangailangan sa mutuwal na paggagalangan sa halip ng pagbabanta, at pag-iwas sa eskalasyong mauuwi sa krisis. Ipinalalagay ni Powell na kulang sa estratehiya sa Tsina ang administrasyon ni Trump at itinuturing ng Pentagon ang Tsina, Rusya, at ibang bansa bilang kalaban ng Amerika. Ipinahayag ni Powell ang pagtutol dito. Sinabi niyang hindi kalaban ang Tsina, at dapat hanapin ng Amerika ang pamamaraan ng diyalogo at malamang hindi tulad ng Amerika ang ibang mga bansa.

Bilang tagapanguna ng Amerika sa pakikipag-ugnayan sa Tsina, ang isa pang dating kalihim ng estado na si Henry Kissinger ay mayroon ding malalim na pang-unawa sa kasalukuyang situwasyon. Sa isang gala bilang pagdiriwang sa ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng Wilson Center nitong nagdaang Setyembre, nakipag-usap siya kay J. Stapleton Roy, dating sugong Amerikano sa Tsina. Ani Kissinger, kapuwa ang Tsina at Amerika ay mayroong natatanging pamamaraan ng pagpapairal ng sariling mga patakaran, at makakalikha ng mga situwasyon sa daigdig kung saan maaari silang magpataw kung ano ang gusto nilang ipataw. Ipinaliwanag ni Kissinger na kayang gawin ito ng Amerika, dahil sa batayan ng mga sistemang pulitikal ng demokratikong konstitusyonalismo nito, samantalang kaya rin ng Tsina, bunga ng ebolusyon nito na mababakas kay Confucius at katangi-tanging praktika nitong libu-libong daan.

Ayon kay Kissinger, itinuturing niya ang Tsina bilang potensyal na partner ng Amerika sa pagtatatag ng mas malakas na kaayusang pandaigdig. Kung hindi itutuloy ang nasabing proseso, masasadlak ang dalawang bansa sa alitan, na kailangang iwasan ng kapuwa panig. Binigyang-diin din niyang ang kapayapaan at kasaganaan ng daigdig ay nakabatay kung mahahanap ng Tsina't Amerika ang paraan kung saan hindi kailangang laging magkasundo ang dalawang panig, pero kailangang tugunan ang mga pagkakaiba. Kasabay nito, kailangan ding itakda ang mga hangarin na magpapalapit sa isa't isa. "Ang isyu ay hindi ang pagkapanalo. Ang isyu ay pagpapatuloy, kaayusang pandaigdig, katarungang pandaigdig, at makita kung maaaring mag-usap ang dalawang bansa," diin ni Kissinger.

Tinukoy rin ni Kissenger na ang tinitingnan ng Tsina ang mga patakaran bilang pangmatagalang proseso, at ang mga Amerikano naman ay pragmatiko. Ito ang dahilan kung bakit may nagkakaibang agenda ang dalawang panig sa kanilang mga negosasyon. Para sa mga Amerikano, mayroon silang listahan ng mga isyung gusto nilang ayusin sa malapit na hinaharap. Samantala, ang mga Tsino ay mayroong pakay na gusto nilang abutin. Bilang panapos, iminungkahi ni Kissinger na kapuwa ang Tsina at Amerika ay maaaring matuto sa isa't isa at kailangan silang matuto sa isa't isa.

Salin: Jade
Pulido: Mac

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>