|
||||||||
|
||
Sa Pulong ng Ika-5 Komite o Komiteng Administratibo at Pambadyet ng Pangkalahatang Asemblea ng United Nations (UNGA) nitong Martes, Oktubre 9, hiniling ni Ma Zhaoxu, Embahador ng Tsina sa UN ang panlahatang pangangasiwa sa badyet ng UN.
Si Embahador Ma Zhaoxu (gitna) sa pulong (Xinhua/Li Muzi)
Kabilang sa agenda ng nabanggit na pulong ay kontribusyon ng bawat miyembrong bansa sa regular na badyet, badyet para sa mga operasyong pamayapa ng UN, at iba pa, para sa taong 2019 hanggang 2021.
Kaugnay ng bayad ng mga kasapi, inilahad ni Ma na dapat ipagpatuloy ang prinsipyo ng kakayahan sa pagbabayad o "capacity-to-pay," bilang pundasyon sa pagtasa. Sa kasalukuyan, may depekto pa rin sa pamamaran ng pagkalkula dahil pinaglalabo nito ang pagkakaiba sa pagitan ng mga umuunlad na bansa at maunlad na bansa, diin niya.
Hinggil naman sa badyet sa mga operasyong pamayapa, ipinahayag ni Ma ang pagkatig ng Tsina sa prinsipyo ng "kolektibong responsibilidad at espesyal na responsibilidad."
Idinagdag pa ni Ma na binayaran na ng Tsina ang lahat ng tinayang kontribusyon sa UN para sa taong 2018, bilang pagsuporta sa UN. Ayon sa pagtaya ng Sekretaryat ng UN, malaking tataas ang tinayang ambag ng Tsina para sa badyet ng UN mula 2019 hanggang 2021. Bilang tugon, ipinagdiinan ng sugong Tsino na sa kabila ng mabilis na pag-unlad, nananatili pa ring umuunlad na bansa ang Tsina na nahahanay sa ika-70 puwesto sa daigdig pagdating sa per capita Gross Domestic Product (GDP).
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |