Ipinahayag ngayong araw Oktubre 16, 2018, ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na nakahanda ang Tsina na pasulungin, kasama ng Netherlands, ang pangmatagalan, malusog at matatag na pag-unlad ng komprehensibong partnership ng Tsina at Netherlands upang magbigay ng mas malaking ambag para sa kapayapaan, katatagan at kasaganaan ng rehiyon at daigdig.
Kasalukuyang dumadalaw sa Netherlands si Premiyer Li Keqiang ng Tsina, at nagpahayag ang Netherlands ng kahandaang magkasamang pabutihin ang multilateral na mekanismo ng kalakalan, at pasulungin ang Malaya at pantay-pantay na kalakalan. Ani Lu, ang pagdalaw ni Li ay hudyat ng patuloy na pagpapalawak ng pagbubukas at kooperasyon ng dalawang bansa.
salin:Lele