Hague, Netherlands—Lunes, Oktubre 15, 2018, nag-usap sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Mark Rutte ng Netherlands.
Binigyan ni Li ng positibong pagtasa ang relasyong Sino-Dutch at positibong progreso ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan. Nakahanda aniya ang panig Tsino, kasama ng Netherlands, na pangalagaan ang multilateralismo at malayang kalakalan, sa pamamagitan ng mas bukas na pragmatikong kooperasyon. Winewelkam ni Li ang ibayo pang pagpapalawak ng mga bahay-kalakal ng Netherlands ng pamumuhunan sa Tsina, para bahaginan ang benepisyong dulot ng bagong round ng reporma at pagbubukas at de-kalidad na pag-unlad ng Tsina.
Isinalaysay rin ni Li ang paninindigan ng panig Tsino sa reporma ng World Trade Organization (WTO) at pagpapatupad ng Paris Agreement tungkol sa pagbabago ng klima.
Ipinahayag naman ni Rutte na pinahahalagahan ng kanyang bansa ang relasyon sa Tsina, at nakahandang patibayin ang pagtitiwalaang pulitikal ng kapuwa panig, at palalimin ang pragmatikong kooperasyon. magkasamang haharapin aniya ang mga isyung pandaigdig na gaya ng pagbabago ng klima, pahihigpitin ang pag-uugnayan at pagkokoordina sa mga multilateral na mekanismo na gaya ng United Nations (UN) at G20, at magkasamang pangangalagaan ang multilateralismo at mekanismo ng malayang kalakalan.
Salin: Vera