Sa paanyaya ng mga lider ng Tajikistan, Netherlands, Belgium at Unyong Europeo (EU), mula ika-11 hanggang ika-19 ng Oktubre, dadalaw si Premyer Li Keqiang ng Tsina sa nasabing tatlong bansa sa Asya at Europa, at lalahok sa Pulong ng Konseho ng Puno ng Pamahalaan (Punong Ministro) ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) sa Dushanbe at Asia–Europe Meeting (ASEM) Summit.
Sa news briefing Martes, Oktubre 9, 2018, isinalaysay ng Ministring Panlabas ng Tsina ang mga kaukulang iskedyul at pangunahing layunin ng naturang biyahe ng premyer Li. Ayon sa salaysay, sa panahon ng gagawing biyaheng ito, isusulong ni Premyer Li, kasama ng iba't ibang kaukulang panig, ang multilateralismo at malayang kalakalan.
Salin: Vera