Lumisan ngayong araw, Huwebes, ika-11 ng Oktubre 2018, ng Beijing, si Premyer Li Keqiang ng Tsina, papuntang Dushanbe, Tajikistan.
Dadalo siya sa Ika-17 Pulong ng Konseho ng mga Puno ng Pamahalaan (Punong Ministro) ng Shanghai Cooperation Organization (SCO), na idaraos sa Dushanbe, at magsasagawa ng opisyal na pagdalaw sa Tajikistan.
Pagkatapos nito, opisyal ding dadalaw sa Netherlands si Li. Bukod dito, pupunta rin siya sa Belgium, para dumalo sa Ika-12 Asia-Europe Meeting (ASEM) Summit, at magsagawa ng working visit sa bansang ito.
Salin: Liu Kai