Ayon sa pahayag na inilabas Huwebes, Oktubre 18, 2018 ng Komisyon ng Paglaban sa Korupsyon ng Malaysia, inaresto nang araw ring iyon ng nasabing tanggapan si Ahmad Zahid Hamidi, dating pangalawang punong ministro ng bansa. Isasampa Biyernes sa Kuala Lumpur Sessions Court ang kaso kaugnay ng pinaghihinalaang panlulustay at money laundering.
Anang pahayag, isinagawa na ng nasabing komisyon ang imbestigasyon sa pinaghihinalaang pagmamalabis ng kapangyarihan, pagtalusira sa tiwala, at money laundering ni Zahid, at ang pag-aresto sa kanya ay may kinalaman sa imbestigasyong ito.
Salin: Vera