Kinatagpo nitong Biyernes, Oktubre 19, sa Beijing ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina si Sergei Shoigu, dumadalaw na Ministrong Pandepensa ng Rusya.
Sinabi ni Xi na pagpasok ng taong ito, umabot sa pinakamataas na lebel sa kasaysayan ang pagtitiwalaan ng Tsina't Rusya. Palagiang tinitingnan aniya ng dalawang bansa ang isa't isa bilang pinakamahalagang estratehikong partner na pangkooperasyon at priyoridad ng diplomasya. Masasabing huwaran ito ng relasyon ng malalaking bansa at magkapitbansa, dagdag pa ni Xi. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng Rusya, para iangat pa ang relasyong Sino-Ruso para sa kapakinabangan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Shoigu ang pagpapahalaga ng panig Ruso sa pagpapasulong ng relasyon ng dalawang bansa at dalawang hukbo. Nakahanda aniya ang Rusya na pataasin ang pagtutulungang militar ng dalawang bansa para magkasamang pangalagaan ang komong interes at kapayapaan ng rehiyon at daigdig.
Salin: Jade
Pulido: Mac