|
||||||||
|
||
Hangzhou, Tsina—Bago buksan ang Ika-11 G20 Summit Linggo ng Hapon, Setyembre 4, 2016 sa Hangzhou, siyudad sa dakong silangan ng Tsina, nagtagpo sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Vladimir Putin ng Rusya.
Sina Pangulong Xi at Putin (Xinhua)
Nangako ang dalawang pangulo na sa ilalim ng komprehensibong estratehikong partnership na pangkooperasyon ng Tsina at Rusya, pasusulungin ang mga pragmatikong pagtutulungan sa larangan ng imprastruktura, enerhiya, kalawakan, haytek o mataas na teknolohiya at iba pa, para sa kapakanan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Nakahanda rin silang pahigpitin ang koordinasyon sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig para mapasulong ang katatagan at kasaganaan ng mundo.
Idaraos ang 2016 G20 Summit mula ika-4 hanggang ika-5 ng Setyembre. Ang tema nito ay "Patungo sa Inobatibo, Masigla, Interkonektado at Inklusibong Kabuhayang Pandaigdig."
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |