Ipinahayag kahapon, Linggo, ika-21 ng Oktubre 2018, ng Rusya, na kung determinado ang Amerika sa pag-urong sa Treaty on the Elimination of Intermediate-Range and Shorter-Range Missiles o tinatawag na INF (Intermediate-Range Nuclear Forces) Treaty, isasagawa ng panig Ruso ang mga katugong hakbangin sa aspekto ng teknolohiyang militar at iba pa.
Kapwa nagpalabas ng pahayag ang Ministring Panlabas at State Duma ng Rusya, kaugnay ng balak ng Amerika sa pag-urong sa INF Treaty. Anang mga pahayag, ang pagbatikos ng Amerika sa Rusya sa paglabag sa naturang kasunduan ay walang batayan. Ang layunin ng Amerika sa pagpapatalastas ng nasabing balak ay para pilitin ang Rusya na magparaya sa Amerika sa mga isyung may kinalaman sa estratehikong katatagan, dagdag pa ng mga pahayag.
Salin: Liu Kai