Guangzhou, Lalawigang Guangdong ng Tsina—Linggo, Oktubre 21, 2018, nakipagtagpo si Wei Fenghe, Kasangguni ng Estado at Ministro ng Tanggulang Bansa ng Tsina, sa mga punong ng mga delegasyong tagamasid ng iba't ibang bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na nanood sa magkasanib na pagsasanay-pandagat ng Tsina at ASEAN sa taong 2018.
Ipinahayag ni Wei na ang nasabing pagsasanay ay kauna-unahang magkasanib na pagsasanay-pandagat ng mga tropa ng Tsina at 10 bansang ASEAN, at may mahalagang katuturan ito sa kasaysayan ng relasyong Sino-ASEAN. Nagpapakita aniya ito ng kompiyansa at determinasyon ng Tsina at mga bansang ASEAN sa pangangalaga sa kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito. Dagdag pa ni Wei, nakahanda ang Tsina na pataasin ang relasyong pandepensa sa ASEAN, palakasin ang pag-uugnayan at pagpapalitan, palalimin ang pragmatikong kooperasyon, at likhain, kasama ng ASEAN, ang estratehikong partnership sa mas mataas na antas.
Positibong pagtasa ang ibinigay naman ng mga puno ng mga delegasyong tagamasid sa maalawang pagdaraos ng naturang pagsasanay. Pawang ipinahayag nilang lubos na pinahahalagahan ng mga bansang ASEAN ang pagpapalakas ng kooperasyon sa seguridad na pandagat sa Tsina. Umaasa silang gagawing pagkakataon ang kasalukuyang magkasanib na pagsasanay, para patuloy na palalimin ang pagpapalita't pagtutulungang militar ng Tsina at ASEAN, at magkasamang harapin ang banta sa seguridad na pandagat.
Salin: Vera