MAKAKASAMA ang Pilipinas sa joint military exercises kasama ang Tsina sa pagdaraos ng Association of Southeast Asian nations – China military exercises na idaraos mula sa Lunes, ika-22 hanggang sa ika-29 ng Oktubre sa Zhanjiang.
Ayon kay Department of National Defense Public Affairs Chief Arsenio Andolong, napagkasunduan isa sa ASEAN Defense Ministers Meeting sa Singapore noong nakalipas na Pebrero.
Posibleng ang pinakamataas na opisyal na maipadadala ay si Admiral Robert Empedrad subalit 'di pa batid kung anong sasakyang dagat ang magagamit sa pagsasanay. Ngayon lamang umano magkakaroon ng joint military exercise na kasama ang Tsina. Hindi ito gagawin sa pinagtatalunang bahagi ng South China Sea. Pagtutuunan ng pansin ang humanitarian assistance and disaster relief. Hindi batid kung maisasama ang programa laban sa mga pirate, dagdag pa ni G. Andolong.
Sa pagsasanay na ito, maiibsan ang panganib na 'di magkaunawaan ang mga Tsino at Pilipino sapagkat higit na magiging malapit ang relasyon ng mga lalahok sa pagsasanay.