|
||||||||
|
||
REPORMA KAILANGAN PA. Sa likod ng magagagandang batas na ipinatutupad ng Pilipinas, sinabi ni Guentner Taus, pangulo ng European Chamber of Commerce in the Philippines na matami pang magagawa upang lumago ang kalakalan. (Melo M. Acuna)
SA likod ng magagandang programa ng pamahalaan sa larangan ng kalakal, sinabi ni Guentner Taus, pangulong European Chamber of Commerce in the Philippines na umaasa silang higit na magiging malapit ang kanyang mga kasama at ang mga pinuno ng Pilipinas.
Ani G. Taus, naninirahan ang may 30,000 European Union citizens sa Pilipinas at nagpapatakbo ng higit sa 600 mga bahay-kalakal at may mga kawaning Filipino na aabot sa 550,000. Ito ang kanyang nabanggit sa pagbubukas ng EU-Philippines Business Summit sa Solaire Resort and Casino.
Sa paglahok ng mga kasapi ng gabinete ni Pangulong Duterte at mga pangunahing mambabatas, layunin nilang makipag-usap upang higit na gumanda ang kalagayan ng kalakalan sa Pilipinas.
Pinuri ni G. Taus ang pagpapasa ng Ease of Doing Business Act, ang pagkakaroon ng Build, Build, Build at pagpapatupad ng Universal Health Care kasama na ang pagpapaluwag sa mga pagbabawal sa ilang bahagi ng kalakal.
Sa likod ng mga pangyayaring ito, sinabi ni G. Taus na mayroon pa ring mga balakid sa mas magandang kalakalan ng EU at Pilipinas. Umaasa silang maipapasa ang susog sa Public Services Act na ipinatupad mula pa noong 1936. Kailangan din umanong pag-aralan ang paggagawad ng lisensya mula sa Philippine Contractors Accreditation Board upang higit na magkatotoo ang layunin ng pamahalaang matupad ang "Golden Age of Infrastructure."
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |