|
||||||||
|
||
LUMAGO ng may 34.3 percent ang budget ng Department of National Defense para sa taong 2019 at umabot ito sa P 183.4 bilyon mula sa P 136.5 bilyong ngayong 2018.
Sa isang pahayag, sinabi ni Budget and Management Secretary Benjamin Diokno na ito ay pagtugon sa layunin ng pamahalaang maayos at magkatotoo ang 0+10-Point Socioeconomic Agenda upang matiyak ang kaligtasan at katatagan ng bansa.
BUDGET NG DEPARTMENT OF NATIONAL DEFENSE, DINAGDAGAN. Ito ang sinabi ni Budget and Management Secretary Benjamin Diokno sa isang pahayag. (File Photo/Melo M. Acuna)
Palalakasin ang seguridad sa mga hangganan sa pamamagitan ng dagdag na patrolya upang masugpo ang pagpasok ng mga ibang mamamayan sa nasasakupan ng Pilipinas, masugpo ang pagnanakaw ng likas na yaman ng bansa, mabawasan at mapigil ang pagpupuslit ng mga sandata at kontrabando, illegal na paglalabas at pagpapapasok ng mga mamamayan at iba pang transnational crimes.
Umabot sa P 89 bilyon ang budget ng Philippine Army samantalang umabot naman sa P 27.8 bilyon ang budget ng Philippine Navy at ang Philippine Air Force naman ay makatatangap ng P 24.6 bilyon.
Mayroon ding nakalaang P 25 bilyon sa ilalim ng AFP Modernization upang higit na mapasigla ang tatlong sangay ng hukbong sandatahan ng bansa.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |