|
||||||||
|
||
Sa kanyang katatapos na biyahe sa lalawigang Guangdong sa dakong timog ng Tsina, ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pagpapalalim ng reporma't pagbubukas sa labas ng bansa sa bagong panahon, at pagpapasulong ng de-kalidad na pambansang kaunlaran.
Naglakbay-suri si Xi sa mga bahay-kalakal, pamantasan, at kanayunan sa iba't ibang lugar ng Guangdong na kinabibilangan ng Zhuhai, Qingyuan, Shenzhen, Guangzhou at iba pa.
Ang kasalukuyang taon ay ika-40 anibersaryo ng pagsasagawa ng reporma't pagbubukas sa labas ng Tsina, at ang Guangdong ay nanguna sa naturang reporma't pagbubukas.
Si Xi habang bumibisita sa eksibisyon hinggil sa pag-unlad ng Guangzhou nitong 40 taong nakalipas sapul nang isagawa ng Tsina ang reporma't pagbubukas sa labas, Oktubre 24, 2018 (Xinhua/Xie Huanchi)
Si Xi habang bumibisita sa Traditional Chinese Medicine Science and Technology Industrial Park of Co-operation sa pagitan ng Guangdong at Macao, na matatagpuan sa Zhuhai, Guangdong, Oktubre 22, 2018. (Xinhua/Xie Huanchi)
Si Xi habang kinukumusta ang isang mahirap na pamilya sa Lianzhang Village, Lianjiangkou Township, Yingde ng Qingyuan City, Guangdong, Oktubre 23, 2018. (Xinhua/Ju Peng)
Si Xi habang nakikipag-usap sa mga social worker at residente ng Beizhan Community ng Longhua District sa Shenzhen, Guangdong, Oktubre 24, 2018. (Xinhua/Xie Huanchi)
Si Xi habang nakikipag-usap sa mga mag-aaral ng Jinan University sa Guangzhou, Oktubre 24, 2018. (Xinhua/Ju Peng)
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |