Sa katatapos na pagdalaw sa Israel ni Pangalawang Pangulong Wang Qishan ng Tsina, kapuwa ipinahayag ng dalawang bansa ang kahandaan na palakasin ang pagtutulungang pang-inobasyon sa iba't ibang larangan.
Sa kanyang apat na araw na pagdalaw sa nasabing mula ika-22 hanggang ika-25 ng Oktubre, kinatagpo ni Wang sina Pangulong Reuven Rivlin at Punong Ministro Benjamin Netanyahu ng Israel. Magkasama ring nangulo sina Wang at Netanyahu sa Ikaapat na Pulong ng China-Israel Joint Committee on Innovation Cooperation (JCIC).
Sina Wang (kaliwa) at Netanyahu (kanan) sa Ikaapat na Pulong ng JCIC
Sa nasabing pulong, binalik-tanaw ng dalawang panig ang mga natamong bunga ng pagtutulungang pang-inbasyon sa larangan ng siyensiya't teknolohiya, kabuhaya't kalakalan, agrikultura, kalusugan, at transportasyon. Lumagda rin ang dalawang lider sa Action Plan for Bilateral Innovation Cooperation 2018 -2021 at sumaksi sa paglagda ng pitong iba pang dokumento.
Salin: Jade
Pulido: Rhio