Kinatagpo Martes, Mayo 23, 2017, ni Wang Gengnian, Presidente ng China Radio International (CRI) si Zvi Heifetz, Wmbahador ng Isreal sa Tsina na dumalaw sa CRI. Nagpalitan sila hinggil sa pagpapalalim ng kooperasyon ng mga media at pagpapalitang kultural ng dalawang bansa.
Isinalaysay ni Wang na marami tagasubaybay ang CRI sa radio, website, at mobile platform sa Wikang Hebrew. Nakahanda aniya ang CRI na naglagay ng tulay pangkooperayson at pangkaibigan para sa mga mamamayan ng dalawang bansa.
Ipinahayag naman ni Zvi Heifetz na malawak ang prospek sa koopearsyon ng Israel at Tsina. Umaasa aniya siyang mapapalakas ang pagkikipagtutulungan ng Isreal sa CRI para ibayo pang mapalalim ang relasyon ng dalawang bansa at pagpaplitang pangkaibigan ng mga mamamayan.
salin:Lele