Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Komentaryo: Pagpapalim ng reporma't pagbubukas, tungo sa mas masaganang Tsina

(GMT+08:00) 2018-10-26 16:15:20       CRI

Ang kasalukuyang taon ay ika-40 anibersaryo ng pagsasagawa ng reporma't pagbubukas sa labas ng Tsina. Sa okasyong ito, ipinangako ng Tsina na ibayo pang palalimin ang reporma't pagbubukas sa labas para mapasulong ang de-kalidad na pambansang kaunlaran at mapahigpit ang pakikipagtulungan sa mga bansang dayuhan.

Sa kanyang katatapos na apat-na-araw na paglalakbay-suri sa Guangdong, lalawigang nanguna sa naturang reporma't pagbubukas, sa dakong timog ng Tsina, inulit ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang nasabing pangako ng bansa.

Ang pagpapalalim ng reporma't pagbubukas sa labas ng Tsina ay nababatay sa apat na sumusunod na aspekto.

Una, pabibilisin ng Tsina ang sarilinang inobasyon. Halimbawa, Noong 2017, umabot sa 57.5% ang contribution rate ng progresong pansiyensiya't panteknolohiya ng Tsina sa paglaki ng pambansang kabuhayan. Halos umabot sa 1.4 milyon ang bilang ng patente ng inobasyon ng Tsina na 7 taong singkad na nangunguna sa daigdig. Noong 2017, sa kauna-unahang pagkakataon, naitala ang Tsina sa "Top 20 Global Innovation Index" ng World Intellectual Property Organization. Sa pagtatayo ng Hong Kong-Zhuhai-Macao Bridge na isinaoperasyon nitong Miyerkules, maraming inobasyon ang inilapat na gaya ng samu't saring bagong materyales, bagong proseso, bagong kagamitan, at bagong teknolohiya. Mahigit 400 may kinalamang patente ang in-apply sa buong proseso ng konstruksyon.

Ikalawa, ang industriya ng paggawa ng Tsina ay magtatampok sa digitalization, pagsamantala sa Internet, at artificial intelligence (AI). Nitong 40 taong nakalipas, mabilis ang pag-unlad ng industriya ng paggawa ng Tsina. Noong 2010, naging pinakamalaking bansa ng industriya ng paggawa ang Tsina. Pero, sa kasalukuyan, nasa gitna at ibabang bahagi lang ng Global Value Chains (GVCs) ang industriya ng paggawa ng Tsina.

Ikatlo, palalimin ang reporma at pagbubukas sa labas sa pamamagitan ng pagtatatag ng Guangdong-Hong Kong-Macao Greater Bay Area. Ang layon ng nasabing Greater Bay Area ay maging pandaigdig na sentro ng inobasyong panteknolohiya.

Ikaapat, pagtutuunan ng Tsina ng mas malaking pansin ang balanse at koordinadong pag-unlad sa pagitan ng iba't ibang lugar ng bansa. Layon nitong matugunan ang pangangailangan ng lahat ng mga mamamayang Tsino.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>