Inulit Biyernes, Oktubre 26, 2018 sa Beijing ni Pan Gongsheng, Pangalawang Presidente ng People's Bank of China at Direktor ng State Administration of Foreign Exchange ng Tsina, na bilang isang responsableng bansa, hinding hindi isasagawa ng Tsina ang kompetetibong pagpapababa ng halaga ng salapi, at hinding hindi gagamitin ang exchange rate ng RMB para harapin ang mga di-matatag na elementong panlabas na gaya ng alitang pangkalakalan. Binigyang-diin din niyang may pundasyon, kakayahan at kompiyansa ang Tsina na panatilihin sa kabuuan ang katatagan ng exchange rate ng RMB sa isang makatwiran at may-balanseng lebel.
Aniya, ang pagbabago ng exchange rate ng RMB kamakailan ay, pangunahing na, dahil sa reaksyon sa suplay at pangangailangan sa pamilihan, at plaktuwasyon ng pandaigdigang pamilihan ng exchange rate. Kabilang sa mga salapi ng bagong-sibol na pamilihan, nananatiling matatag at malusog sa kabuuan ang kalagayan ng RMB.
Salin: Vera