Ayon sa Semi-Annual Report to Congress on International Economic and Exchange Rate Policies na isinapubliko Miyerkules, Oktubre 17, 2018 ng Kagawaran ng Tesorarya ng Estados Unidos, ipinalalagay nitong hindi minamanipula ng Tsina ang exchange rate para makakuha ng bentahe sa di-makatarungang kalakalan. Ito ang ika-4 na beses nang paggawa ng ganitong pananaw ng nasabing kagawaran, sapul nang manungkulan si Donald Trump bilang pangulo ng Amerika.
Ipinalalagay pa ng naturang ulat na pawang hindi minamanipula ng mga pangunahing trade partner ng Amerika ang exchange rate, pero inilakip nito ang Tsina, Hapon, Alemanya, Timog Korea, Switzerland, at India sa listahan ng pagmomonitor sa patakaran sa exchange rate.
Ipinahayag ng nasabing kagawaran na lubos na pinahahalagahan ng panig Amerikano ang pangako ng Tsina sa hindi pagsasagawa ng kompetetibong pagpapababa ng halaga ng salapi. Patuloy nitong susubaybayan ang tunguhin ng exchange rate ng RMB, at pananatilihin ang pakikipag-ugnayan sa People's Bank of China, ayon pa sa ulat.
Salin: Vera