Nagpulong nitong Sabado, Oktubre 27, local time sa Istanbul, Turkey ang mga lider mula sa Pransya, Alemanya, Rusya't Turkey hinggil sa kalagayan ng Syria. Sa magkakasanib na pahayag pagkatapos ng pulong, nanawagan ang mga kalahok na lider sa ganap na tigil-putukan sa Syria.
Ang probinsyang Idlib sa dakong hilaga-kanluran ng Syria ay ang huling lugar ng bansa na kontrolado ng kontra-gobyernong sandatahang lakas. Nangako ang nasabing apat na lider na patuloy silang magsisikap para maisakatuparan ang pangmatagalang tigil-putukan sa nasabing lalawigan, sa pamamagitan ng paraang pulitikal.
Hiniling din nila sa pamahalaan ng Syria na buuin ang komiteng konstitusyonal bago katapusan ng taong ito.
Salin: Jade