Ayon sa pahayag Sabado, Hunyo 30, ng panig militar ng Syria, nagkakaisang sumang-ayong makipagrekonsilyasyon sa pamahalaan ang ilang kontra-gobyernong sandatahang lakas sa lalawigang Daraa, sa dakong timog ng bansa.
Nitong ilang araw na nakalipas, patuloy na isinasagawa ng hukbong pampamahalaan ang atakeng militar laban sa mga kontra-gobyernong sandatahang lakas. Bunga nito, nabawi nila ang mga sinakop na lugar at nagsisikap din silang marating ang kasunduan ng rekonsilyasyon sa mga kontra-gobyernong lakas.
Salin: Jade